Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae, 1 pa tigbak sa Makati ambush

0 323

Patay ang dalawa katao, isang lalaki at isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa harapan ng sinakyan nilang van Miyerkules ng hapon sa Makati City.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima na parehong dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala.

Tumakas naman ang suspek lulan ng grey na Mitsubishi Mirage na may plakang MDO 1772 patungo sa hindi batid na direksyon.

Sa inisyal na ulat ng Makati City police, naganap ang insidente ala-1:40 ng hapon kahapon sa

Jupiter St., Barangay Bel Air ng lungsod na ito.

SM food to go Banner Ad

Isang tawag ang natanggap ng STOC ng Makati City hinggil sa insidente. Agad namang rumesponde sina PEMS Gregorio Estanislao Atabay Jr at PEMS Andy Vale, nakatalaga sa Makati City station 6 sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na isang puting Toyota Hi Ace van na may plakang ADA 1463 ang nakaparada sa lugar kung saan lulan nito ang mga biktima.

Bigla na lang umanong lumapit ang isang lalaking suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril at niratrat ang mga biktima.

Nang masigurong patay na ang dalawa mga ito ay agad nang sumakay sa Mirage at tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.