Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae binaril sarili swak sa kaso

0 63

Patung-patong na kaso ang isinampa laban sa isang babae na nagtangkang magpakamatay sa loob ng isang firing range sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Ronnie Montejo, sinampahan ng kasong alarm and scandal, grave threat at reckless imprudence resulting in damage of property sa piskalya ang 22-anyos na si alyas ‘Jen’.

Sa imbestigasyon, alas-10:40 ng umaga nitong Oktubre 10 nagtungo si Jen sa Jethro Firing Range, na matatagpuan sa 36 West Avenue, Brgy. Nayong Kanluran, at nagrenta ng isang pistola para mag-practice umano ng shooting. Gayunman, nagulat na lang ang range officer ng makita si Jen na duguan habang hawak ang inupahang baril. Agad na inulat ang pangyayari sa Masambong Police Station.

Tinangka ng mga rumespondeng pulis na makipagnegosasyon kay Jen at kinumbinsi ito na isuko ang baril ngunit tumanggi ito.

Nagawa naman ng mga pulis na madisarmahan ang babae bago pa man makalikha pa ng mas malaking pinsala sa kanyang sarili at sa mga tao sa paligid saka dinala sa ospital. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.