Abante Tonite Interactive

Babae binastos, nilamas ang dibdib sa bus

2,976

Pinatunayan ng video na kuha ng isang netizen na kahit anong suot ng isang babae ay hindi ligtas sa naglipanang manyak.

Sa tweet ni @tabanats, pinakita nito ang panghihipo ng isang lalaking nakatabi niya sa bus habang binabagtas ang kalsada sa Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite.

Papunta ng Tagaytay ang babae nang tumabi sa kanya ang isang lalaki kahit marami pang upuan.

Dito na niya naramdaman na sinasanggi ng manyak ang kaliwa niyang dibdib, na pilit iniwasan ng babae, ngunit hindi rin nagpapigil ang lalaki na hinawakan na ang dibdib nito.

“Noong una, nainis ako kasi nga medyo masakit pagkasanggi niya pero pinalagpas ko. UNTIL HE DID THIS,,, he used his elbow para sanggi- sanggiin ulit iyong left boob ko so ako iniiwas ko na pero siya mismo nag-aadjust para ituloy yung kalibugan niya.

Kaya naman niya ito binidyuhan sabay pakita sa konduktor bilang ebidensiya.
“…so doon nagsisigaw na ako and pinahiya ko na siya sa bus with my cracky voice. Pinanood ko sa konduktor iyong video, at ayun muntikan na siyang bugbugin, pero napigilan,” ayon sa biktima.

Dinala ang babae kasama ang manyak sa police station sa Dasmariñas, at habang nasa mobile ay nagmamakaawa ang lalaki dahil may anak daw ito na may sakit at hindi siya puwedeng makulong.

“VINERIFY DIN NAMIN KUNG MAY SAKIT BA TALAGA ANAK NIYA AND YES MERON NGA. Tinanong ako noong pulis kung ano gusto kong mangyari sabi ko wag na ikulong, ipa-blotter nalang,” saad pa ng netizen. (RP)