Abante Tonite Interactive

Babae dedo sa tama ng kidlat

275

Isang babae ang binawian ng buhay nang tamaan ito ng kidlat habang nagwawalis sa kanilang bakuran sa Barangay Canlampay, Carigara, Leyte.

Kinilala ang biktimang si Alberta Anagat, 55-anyos, nakatira sa nasabing barangay.

Sa report, ayon na rin kay Pol. S/Sgt. Federico Caduca Jr., duty investigator ng Carigara Muni­cipal Police Station, naglilinis ng kanilang bakuran ang biktima nang biglang kumidlat at eksaktong tamaan ito sa ulo.

Ayon naman sa kuwento ng mga kaanak ng nasawi, bago nasapul ang biktima ay tumama muna ang kidlat sa kanilang bahay kung saan pati ang kanilang mga kasangkapan ay nadale.

Maliban kay Alberta ay wala nang nasugatan pa sa nasabing sakuna.