Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae dinampot sa FB fake news

0 56

Kinasuhan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babaeng nagpaskil ng fake news sa kanyang Facebook account sa Quezon City laban kay Mayor Joy Belmonte.

Kinilala ni QCPD Director, PBGen Danilo Macerin ang suspek na si Ma. Cecilia Angeles Raymundo na inaresto dahil sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng RA 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang kalatas na inilabas nitong Miyerkules, sinabi ni Macerin na si Raymundo ay dinakip hinggil sa pagpapaskil umano nito ng pekeng balita sa kanyang FB account na ‘Macie Angeles,’ na nagsasaad na nakatanggap siya ng P3,000 cash mula kay QC Mayor Joy Belmonte at hygiene kit.

Isinaad pa niya sa kanyang post na ang naturang cash at hygiene kit ay araw-araw na ipamimigay ng alkalde sa mga tahanan sa lungsod.

“Araw-araw may P3k kada household at hygiene kit. Pwede na! Mayor wala ka naman sigurong sakit noh?” aniya pa.
Agad namang natukoy na si Macie Angeles at Raymundo kaya kinasuhan ito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.