Abante Tonite Interactive

Babae dinampot sa pambubugaw sa 6 bata

0 385

Nabatid na ang suspek ay naaresto sa isang restaurant matapos nitong tanggapin ang pera mula sa ope­ratiba na nagpanggap na kostumer.

Nalaman na ibinugaw umano ni Vi­vian ang mga kapitbahay niyang menor de edad sa halagang P3,000 kada babae.

Sinabi ni Olga Angustia-Gonzalez, hepe ng NBI-AVAWCD, na niyaya ng suspek ang mga biktima na kumain sa labas ngunit lingid sa mga bata ay binubugaw na sila ng kapitbahay.

Itinanggi naman ng hinuling suspek na sadyang di muna pina­ngalanan ang bintang na pambubugaw. Aniya’y inimbita lamang niya ang mga bata na kumain sa restaurant. (Juliet de Loza-Cudia)