Abante Tonite Interactive

Babae kinain ng mga alagang baboy

687

Malupit ang na­ging sukli sa isang ginang ng kanyang mga alagang baboy nang walang awa itong lapain sa loob mismo ng kural makaraang ata­kihin ito ng epilepsy habang pinakakain ang nasabing mga ala­gang hayop sa bansang Russia.

Ayon sa ulat ng Russian media via Sky News, pinakakain umano ng ‘di nakikila­lang babaeng biktima, 56-anyos, isang Russian, ang mga baboy sa ba­yan ng Malopurginsky district ng Udmurtia sa Russia nang mahimatay siya at bumulagta sa pig pen makaraang dumanas ng epileptic seizure.

Pagbagsak nito ay magkakasalo siyang kinain ng kanyang mga alaga. Nabatid na unang­ nilapa ng nasa­bing mga hayop ang kanyang mukha, balikat at tenga.

Dahil sa pagkaubos ng dugo ay tuluyang nalagutan ng hininga ang kanilang amo.
Nadiskubre lang ang sinapit ng biktima nang mabungaran ito ng kanyang mister na noon ay maagang nakatulog dahil sa masamang pakiramdam.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbes­tigahan ng mga awtoridad ang insidente.