Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae kinorner sa naispatang nakaw na kotse

0 266

ARESTADO ng Cavite police ang isang babae na sakay ng isang kinarnap na kotse matapos tumakas ang driver nito na naabutan sa isang checkpoint sa Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ang naaresto na si Marilen Medina, nasa wastong edad habang pinaghahanap ang kasamahan niyang driver na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Corporal Archie Paclibar ng Tagaytay City Police Station, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang Police Community Precinct (PCP) 3 na naispatan ang isang carnapped vehicle na silver gray KIA (TQM 748) kaya pinara ang driver na imbes na tumigil ay pinasibad pa ang sasakyan.

Hinabol ng mga kapulisan ang sasakyan at muling naharang sa Barangay Maatim II Central Tagaytay City pero nakatakas ang driver at iniwanan ang kasama nito.

Nabatid na ang nasabing sasakyan ay nakarnap noong nakaraang Linggo sa nasabi ring Lungsod.

Nang inspeksyunin ang sasakyan ay nakakuha ng tinatayang 0.12 gramo ng shabu sa loob nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.