Abante Tonite Interactive

Babae kritikal sa abortion

By
185

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang babae sa isang ospital sa Maynila makaraang ipalaglag umano nito ang sanggol sa kanyang sinapupunan na may pitong buwan pa lamang.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, kinumpirma nito na namatay ang ipinagbubuntis ng naturang babae na hindi muna pinangalanan.

Nabatid na ala-una ng madaling-araw nang ideklara ni Dr. Criselda Timbang ng UERM Memorial Hospital na wala nang buhay ang fetus sa sinapupunan ng nasabing babae pero hindi pa umano nila maaaring ibigay ang pagkakakilanlan ng pasyente alinsunod sa Data Privacy Act.

Abante Hiring – IT dep

Sinadya o induced preterm abortion umano ang kaso ng kanyang pasyente.

Inihahanda na ng Homicide Section ang kasong abortion na isasampa laban sa nasabing babae sa kabila ng hindi pa ito maiproseso dahil sa kalagayan nito at wala pang kaanak na makapagbigay ng detalye kaugnay sa pangyayari.