Abante Tonite Interactive

Babae na dumayo sa Baseco nirapido

427

Patay ang isang ‘di nakikilalang babae na dumayo lamang matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang gunman, kahapon nang umaga sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-45, katamtaman ang pangangatawan, may taas 4’11, nakaputing t-shirt, kupas na maong short pants at itim na tsinelas.

Ayon sa imbestigasyon, malapitang binaril sa mukha, braso at sa katawan ang biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Bernardo Cayab­yab, ng Manila Police District-homicide section, alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Blk. 1 Gasangan, Diubai Baseco Compound sa Port Area.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakaki­lanlan ng suspek na armado ng kalibre 45.

Nakarinig umano ng apat na putok ng baril ang ilang residente at nang punta­han ang pinanggali­ngan ng mga putok ay nakitang walang buhay ang biktima.

Inaalam rin ang anggulong hindi nakapag-remit ng kanyang kita sa droga ang biktima kaya pinaslang. (Juliet de Loza-Cudia)