Abante Tonite Interactive

Babae ni Alden ayaw pang ilantad

782

May bagong ha-mon sa bagong serye ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Ito’y ang “The Gift”.

Hanggang ngayon ay pahulaan pa rin kung sino ang kanyang lea-ding lady.

Isa sa napipisil ay si Ysabel Ortega, anak nina Michelle at Senator Lito Lapid. Matuloy kaya siya sa serye?

Balitang mabubulag ang karakter ni Alden sa primetime soap. At sa kabila ng kanyang magiging kapansanan, maghahatid siya ng inspirasyon at magdudulot ng positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Bilang paghahanda sa kanyang karakter, sumabak si Alden sa immersion sa tulong at guidance ng Resources for the Blind Incorporated, isang non-governmental organization na tumutulong sa mga visually impaired.

“Mas lalo akong na-excite gawin ‘yung role. Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga yung pakiramdam ng pagiging bulag,” deklara niya.

Sey pa ni Alden, “Sana itong ‘The Gift’ will give them inspiration na kahit na bulag, kahit na walang paningin, the losing of sight puwede ka pa ring maging blessing sa ibang tao.”

2 script binasura sa ‘Angel Has Fallen’

Ilang beses siyang nasaktan, ngunit hindi siya kailanman napabagsak. ‘Yan si Gerard Butler sa papel na Secret Service Agent Mike Banning sa global box-office hits na “Olympus Has Fallen” (2013) at “London Has Fallen” (2016).

Ngayong 2019, ang tinatawag na “the President’s top guardian angel” ay haharap muli sa labanang susubok sa katatagan ng kanyang katawan at isipan. Tulad ng pinapahiwatig ng movie title, “Angel Has Fallen” at ang tanong, paano makababangon ang karakter ni Butler?

Ang “Angel Has Fallen” ay sa ilalim ng direksyon ni Ric Roman Waugh (Snitch, Shot Caller). Puno ito ng umaatikabong aksyon habang dinadala ang manonood sa “much deeper, darker journey”.

Sinasabing dalawang script ang binasura bago napili ang kasaluku-yang kuwento na kumuha ng inspirasyon sa mga pelikulang “The Fugitive”, “The Bourne Identity”, at “Taken”.

Kuwento ni Butler sa isang panayam noong 2017, “I couldn’t even see a way to make a third (F­allen film), you know we’d joke about it ‘What, Tokyo? Hong Kong? What is it going to be!?’ …Until this idea came along and until Ric came along – now I’ve gone from not knowing what to do with it, to thinking this is going to be the best one.”

Dagdag pa niya na gusto ni direk Waugh na gumawa silang dalawa ng pelikula na maaalala ng tatlong henerasyon. Sagot naman ni Butler, “Well what about Has Fallen 3?”, at sabi ng direktor, “That’s not what I was thinking!” Hinikayat ni Butler na basahin ni Waugh ang script. Aniya, ‘Read this script, it’s kind of like The Fugitive, take it and let’s put your spin on it’.

May pag-aalinlangan man si Waugh noon, iba na ang kanyang paniniwala ngayon. Ito lamang May 2019, nag-post si direk Waugh ng trailer ng “Angel Has Fallen” sa kanyang Twitter at sinabing, “For years @GerardButler and I have been wanting to collaborate. Damn glad it was this one. It was definitely worth the wait!”

Mapapanood ang “Angel Has Fallen” sa Philippine cinemas nationwide simula ngayong August 21. Mula sa Viva International Pictures at MVP Entertainment.