Abante Tonite Interactive

Babae ni Bistek ibinunyag sa kanyang libro

By
4,113

Kasama sa 306-page na librong ‘Bistek @ 50 Life In Color’ ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang makulay niyang love life starting off with his crush on Lea Salonga, his relationship with Ruby Rodriguez way, way back, gayundin ang dalawang ina ng kanyang apat na anak at siyempre, ang latest affair niya with Kris Aquino na talaga namang napaka-kontrobersiyal.

Dalawa ang anak niya kay Eloisa Matias na sina Race and Cray at dalawa rin kay Tates Gana na sina Athena and Harvey.

May mga ilang detail na mababasa sa libro tungkol sa on and off relationship nila ni Kris since 2014 kabilang na ang dalawang beses na proposal, first in 2014 and second in 2017 sa Italy.

At 50, Mayor HB is still single at tila mukhang wala pang balak mag-asawa.

“I’m happiest by myself. Sarap maging alone – not because I’m selfish, ha?” ang isa sa mga statement ni Bistek sa libro.

Sa ngayon ay mas gusto raw niyang gugulin ang mga libreng oras sa mga anak niya.

“May mga oras na kami ng mga anak ko para sa isa’t isa. I want to be myself – not as the mayor or the actor or the student, but as a father to this children,” pahayag pa ni Ma­yor in one of the last pages of the book.

Ara walang inagaw

Hindi, wala,” ang mabilis na sagot ni Ara Mina sa tanong ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda aired Friday night kung may inagaw ba siya o wala.

Obviously, ang nasabing tanong ay tungkol sa akusasyon sa kanya ng CEB (Cinema Evaluation Board) member na si Rina Navarro na inagaw niya ang fiancée nito.

Ayon pa kay Ara, wala raw siyang dapat ipaliwa­nag sa publiko kaya ayaw na niyang mag-comment pa.

“Kung iyon ang side ng isang tao, just be it,” pahayag ni Ara.

“Ang choice ko, manahimik kasi wala akong dapat i-explain,” dagdag pa niya.

Pero kung pagdating ng araw ay tanungin daw siya ng anak niya, magiging honest naman daw siya at ikukuwento niya kung ano ang totoong nangyari.