Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae niluwa ng Manila Bay

0 67

Naagnas na ang bangkay ng di nakikilalang babae nang namataan ng isang pribadong cargo vessel na lumulutang kahapon ng umaga sa Manila Bay sakop ng Delpan, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Arvin Bautista, ng Manila Police District-homicide section chief, nakita sa bulsa ng suot nitong tokong pants ang isang ID na may pangalang Rea Nido y Rivera, ng Barangay Poblacion, Mandaluyong City.

Nakasuot ito ng dilaw na t-shirt, brown pants, nasa 30-35 anyos at 5’3 ang taas.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng Philippine Coast Guard-Coast Guard Sub-Station South Harbor , nakita ang bangkay alas-5:45 ng umaga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.