Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae semplang sa motor, dedbol

0 103

Patay ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo na minamaneho ng isang babae nang sumemplang ang mga ito sa national highway sa Cabuyao City, Laguna linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang sina Lene Rose Luna, 29, at si Dave Manatad, tubong Mandaue City at empleyado ng Global Care Medical Center sa Cabuyao City.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa police report, dead on arrival sa ospital si Manatad samantalang binawian ng buhay si Luna sa Calamba Doctors’ Hospital.

Patungong Calamba ang dalawa nang mag-slide ang motorsiklo ng mga ito sa gitna ng highway alas 10:00 ng gabi.

Sumadsad pa ang motorsiklo sa shoulder at sumalpok sa isa pang nakaparadang motorsiklo. Nahagip din sa paa ang bystander na si July Mason na nakatayo lamang sa gilid ng highway. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.