Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae sinampal ng lover, gumanti ng saksak

0 474

Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ito ng matapang na live-in partner sa Malabon City, Lunes ng hapon.

Isinugod sa Tondo Medical Center si Jason Ollodo, 23, walang hanapbuhay, taga-101 Asero Street, Barangay Tugatog ng nasabing lungsod, matapos magtamo ng malalim na saksak sa kaliwang braso.

Kaagad namang nadakip ang suspek na si Maria Veronica Caayohan, 23, taga- 94-C Perez Street, Barangay Tonsuya, Malabon City.

SM food to go Banner Ad

Base sa report, bandang alas 2:30 ng hapon, nagtungo ang lalaki sa bahay ng kinakasama upang pag-usapan ang maliit nilang tampuhan.

Pero humantong sa sigawan ang paliwanagan ng dalawa kaya naging maingay ang babae dahilan para sampalin siya ng biktima.

Lalong nagwala si Caayohan at kumuha ng patalim na may siyam (9) na pulgada saka inundayan ng saksak sa sikmura ang live-in partner, ngunit nakailag ito at sa braso lang tinamaan.

Naawat naman ng mga kasamahan sa bahay ang pag-aaway ng dalawa hanggang sa dumating ang mga pulis at dinakip ang babae. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.