Abante Tonite Interactive

Babae timbog sa pananaksak ng saleslady

246

Inaresto ang isang babae makarang pagsasaksakin umano ang isang saleslady sa harap ng bahay nito sa Pasig City.

Sa ulat, kinilala ng Pasig City Police Station ang biktima na si Girlie de Guzman, 24-anyos, ng San Agustin St., Bolante II, Brgy. Palatiw, at ang suspek na si Chrisa Peralta, 21.

Kinompronta umano ni Peralta si De Guzman na nakatayo sa harap ng bahay nito, bago bumunot ng isang fan knife at sinaksak sa kaliwang tagiliran ang biktima, dakong alas-9:00 Sabado ng gabi.

Sakto naman umanong mayroong tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang nasa malapit sa pinangyarihan ng krimen na rumesponde upang maaresto ang suspek.

Agad na naisugod sa Pasig City General Hospital si De Guzman na kasalukuyan pang inoobserbahan, habang isasailalim naman sa inquest proceedings ang suspek.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung ano ang mo tibo ng suspek.