Abante Tonite Interactive

Babae tinadtad ng bala sa bangketa

0 520

Tinadtad ng bala ng baril at duguang inabandona ng hindi pa nakikilalang gunman ang bangkay ng isang babae sa bangketa sa Barangay Unang Sigaw sa Quezon City, Biyernes ng mada­ling-araw.

Kinilala ni Police Capt. Juan Mortel, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima sa alyas Marian Katrina Akira Centones, nasa edad 25-35, may taas na 4’5, nakapu­lang sweatshirt, maong shorts at may tattoo sa kanang kamay ng ‘Butterfly’ at ‘Ryan.’

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Genaro Diego ng CIDU-QCPD, natagpuan ang bangkay ng babae alas-3:30 ng madaling-araw (Nobyembre 22), sa Camachile St., Brgy. Unang Sigaw, QC.

Bago ito natagpuan, nakarinig umano sa lugar ng sunud-sunod na putok subalit hindi ito inintindi sa pag-aakalang may nagpaputok lamang ng firecracker sa barangay.

Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na ang duguang bangkay ng biktima sa bangketa sanhi ng tinamong bala mula sa ‘di pa batid na kalibre ng baril. (Dolly Cabreza)