Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae tinodas sa loob ng kotse

0 253

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ang isang babae sa loob ng sasakyan na inakalang inabandona lang sa Makati City noong Martes.

Nakasubsob ang katawan at may mga tama ng bala sa ulo ang biktima na batay sa nakuhang driver’s license sa kanyang mga gamit ay kinilalang si Mica Lorrenza Herrera, ng Quezon City.

Sinabi ng isang saksi na inakala lang niyang inabandona ang gray na KIA (EF-8500) nang makita niya itong nakaparada sa kanto ng South Superhighway at Valderama St., sa Bgy. Pio del Pilar bandang alas-2:00 ng madaling-araw noong Martes.

Ilang sandali pa ay nakita naman niyang may lumabas umanong isang lalaki mula sa kotse at saka lumipat sa ibang sasakyan.

Napadaan din sa lugar ang isa pang lalaki na agad na nag-report sa pulisya nang mapasilip sa sasakyan at makita ang duguang biktima.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na detalye sa insidente kung saan masusi pa itong iniimbestigahan ng mga kapulisan. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.