Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babae tinuruang lumipad sa astral dimension

0 130

Mga ka-Misteryo nasubok niyo na bang lumipad sa astral? Kung hindi kayo makalipad nasubok niyo na bang magpaturo? O kaya kayo ang nagturo.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Ram ng Nueva Ecija ay nagtataka kung nagawa ba niya yun nang mag-astral siya at tinuruan ang isang babae na makalipad sa astral?

Misteryo: “Bago yan ah. Nagturo ka sa mismong astral dimension. Pero teka kilala mo ba yung babae na nagpaturo sayo?”

Ram: “Yun ang nakapagtataka hindi ko siya kilala. Hindi ko rin alam name nya. Bigla lang siyang lumitaw sa harap ko at gusto niyang lumipad pero hindi niya magawa.”

Misteryo: “Paano ba nagsimula yung astral experience mo na yun? Sinadya mo bang lumabas ng katawan para makatawid sa kabilang dimensyon?”

Ram: “Ganito yun sobrang pagod ko kasi sa work kaya ang bigat ng katawan ko gusto ng matulog hinahatak na ako ng higaan. Mabuti kamo hindi ako gutom kaya konting butingting sa cellphone ko ayun natulog na ako.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “I see. This means hindi mo sinadya ang astral travel mo. Involuntary astral travel yung experience mo. Nakatawid ka sa astral nang Hindi mo namamalayan.”

Ram: “Yes Tama ka bigla ko na lang nakita sarili ko sa kabilang dimensyon. Actually lumilipad ako nang lumitaw ako sa astral. Then yun nakita ako nung babae, maganda siya at nagtanong sa akin kung paano ko daw nagawang makalipad.”

Misteryo: “Iniisip ko tuloy na baka first time astral traveller yung babae na nagtanong sayo or maybe isang entity or elemental na nakatambay lang doon.”

Ram: “Hindi ko na inalam kasi na-focus ako sa tanong niya kaya ipinakita ko sa kanya kung paano lumipad.”

Misteryo: “Ano sabi mo sa kanya para siya makalipad?”

Ram: “Sabi ko sa kanya isipin lang niya na isa siyang superhero na kayang gawin ang lahat sa astral ayun ginawa niya lumutang siya tapos lumipad na kami. Paikot-ikot lang kami sa area sa amin tapos itinuro ko rin sa kanya na Pwede kami tumagos sa mga bintana, pader at dingding ng bahay. Ayun tuwang-tuwa siya.”

Kayo mga ka-Misteryo baka may karanasan kayo sa astral travels o pagkalas ng astral body niyo sa pisikal, mag-email sa Misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.