Abante Tonite Interactive

Babaeng biktima ng salvage natagpuan sa highway

0 360

SAN FELIPE, Zambales — Isang bangkay ng hindi pa nakikila­lang babae na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan kahapon nang umaga sa Brgy. Maloma, bayang ito.

Ayon sa ulat ni Police Capt. Ramil Menor, hepe ng San Felipe Police Office, ang biktima ay inilarawang may taas na 5’2’’ hanggang 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, may edad na 35-40, nakamaong na pantalon. Naka-bra na lang ito nang mabungaran, sapatos na pulang Adidas, at may tattoo na Mickey Mouse sa ibabang likuran, at pusa naman sa gawing batok.

Ayon pa sa ulat, ang biktima ay natagpuan ng mga residente ganap na alas-6:35 nang umaga sa kaha­baan ng national highway sakop ng Sitio Tikob, Brgy. Maloma, San Felipe na nakadapa, may balot ng garbage bag ang ulo, nakatali ang mga kamay sa likod at nakatali rin ang mga paa.

Isinailalim ang biktima sa awtopsiya ng Zambales Provincial Crime Laboratory office upang maimbestigahan at makakuha ng ‘lead’ na makakapagturo sa mga salarin. (Randy Datu)