Abante Tonite Interactive

Babaeng Chinese binuraot ng 2 kababayan

285

Pormal na nagharap ng reklamo ang isang babaeng Chinese national laban sa dalawa niyang kababayan makaraang magantso siya ng mga ito sa loob ng Okada Manila, sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Isa sa dalawang suspek na naaresto ay kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police na si Lin Yuan, 30, isang tourist at pansamantalang nanunuluyan sa Victoria Condominium.

Nakatakas naman ang kasabwat nitong si Liu Chang, isa ring Chinese.
Sa pahayag ng biktimang si Quiyu Zhang, 31, isa ring turista at nanunuluyan sa Sun City, VIP, Okada Manila sa Brgy. Tambo Parañaque City kay Police Col. Sarmiento, alas-10:55 ng gabi nang lumapit sa kanya ang dalawang suspek sa Sun City VIP.

Sa imbestigasyon, nagkasundo ang biktima at suspek na si Lin Yuan na magbibigay ito ng P5 milyon upang ipagpalit ng RMB Chinese Yuan.
Nang maibigay ang nasabing halaga sa suspek na si Lin Yuan, inihulog nito ang natanggap na halaga sa account ng isang Liu Chang Su na may account No. 45618188 bandang alas-10:58 ng gabi.

Gayunman, hindi binigay ng suspk ang kapalit na RMB. Maging ang contact niya kay Liu Chang ay naka-block na.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang biktima. Agad namang dinala sa Police Community Precinct (PCP)-2 ng Parañaque Police ang suspek.
Patuloy namang hinahanting ang kasabawat nitong si Chang. (Armida Rico)