Abante Tonite Interactive

Babaeng Chinese hinoldap, sinaksak sa loob ng taxi

442

Duguan pa nang humingi ng tulong sa pulis ang isang babaeng Chinese national makaraang holdapin at saksakin ng isang taxi driver na kanyang sinakyan kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Sa follow-up operation ng Intelligence Section at CCP Police Community Precinct (PCP), agad naaresto ang taxi driver na kinilala ni Police Col.

Bernard Yang, ng Pasay City Police na si Eric Icban, 44, ng Cavite City.

Naaresto si Icban sa Macapagal Blvd., isang oras matapos niyang holdapin at saksakin si Yang Qing, 21, call center agent at taga-Tambo, Parañaque City.

Ayon kay Police Col. Yang, nangyari ang insidente ala-1:40 ng madaling-araw matapos sumakay ng taxi ang biktima upang magpahatid pauwi.

Pagsapit sa kanto ng Gil Puyat Avenue at Jalandoni St., nagdeklara na ng holdap ang suspek. Puwersahang kinuha ang mga personal na gamit ng biktima kabilang ang isang GTouch tablet, ID, cash at iba pa suba­lit tinangkang manlaban ng dayuhan kaya inun­dayan ng saksak sa braso bago puwersahang pinababa ng sasakyan.

Nang magsumbong sa pulisya, agad nagsagawa ng operasyon ang Intelligence Section at CCP-PCP hanggang maispatan ang suspek ala-dos ng madaling- araw na ikinaaresto nito.

Nakumpiska sa suspek ang isang balisong at granada pati na ang tinangay sa biktima. (Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad