Abante Tonite Interactive

Babaeng Chinese niligpit

426

Walang buhay na bumagsak sa kalsada ang isang Chinese national na online seller matapos pagbabarilin ng riding in tandem, kahapon sa Tomas Mapua St., Sta. Cruz, Maynila.

Tinangka pang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center pero dineklarang dead on arrival ang biktimang si Mary Grace Li, nasa hustong gulang, asawa umano ng isang pulis-Maynila at residente ng Sta. Cruz.

Sa imbestigasyon, nagmamaneho ng kanyang NMax motorcycle ang biktima nang buntutan ng dalawang naka-motorsiklong suspek at malapitang binaril sa ulo ang babae dakong alas-3:30 ng hapon.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ni PCMS Richard­ Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, ang naganap na krimen. (Juliet de Loza-Cudia)