Abante Tonite Interactive

Babaeng COA off’l ni-liquidate; mister binaril din

208

Tinambangan hanggang mapatay ang isang babaeng provincial auditor ng Commission on Audit (COA)-Maguindanao habang sugatan ang asawa nito makaraang paulanan ng bala ang kanilang sasakyan ng dalawang mga hindi pa nakikila­lang riding-­in-tandem suspect habang pauwi sa kanilang bahay Biyernes ng tanghali sa Barangay Rosario Heights 7, Cotabato City kahapon.

Nakilala ang nasawing biktima na si Guiaria Bagundang Akmad, 60, provincial auditor ng Maguin­danao at mister nitong si Hadji ali Akmad, 62, na nasugatan naman sa pananambang.

Ayon sa report, sinundo ni Hadji ang kanyang misis mula sa kanilang opisina bandang ala-1:00 ng tanghali at pauwi na ang mga ito nang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang riding-in-tandem at agad na nagpaulan ng bala na ikinasawi ng babaeng opisyal.

Nakuha pa umanong bumunot ng baril ni Hadji at hinabol ang tumakas na suspek subalit mayroon pa umanong back up na nakasakay sa motorsiklo ang suspek at doon na tinamaan ang lalaki.

Pinaghahanap ngayon ng Cotabato Police ang mga suspek habang inaalam kung may nakakabit na CCTV sa paligid upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek. (Vick Aquino)