Abante Tonite Interactive

Babaeng galing sa hearing, itinumba

By
26

Patay ang isang babae na galing sa hearing matapos pagbabarilin kahapon ng nag-iisang suspek sa San Pablo City.

Batay sa report ng San Pablo Police, bandang alas-2:30 ng hapon, sakay ng motorsiklo ang biktima na kinilalang si Precious Wenceslao, 30 anyos, nang barilin ito ng malapitan ng suspek sa Shetelig Ave. cor Balagtas Boulevard sa Barangay 2B sa nasabing lungsod.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na naisugod pa sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Galing umano sa hearing sa RTC San Pablo City ang biktima na complainant sa isang estafa case.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman ang nakasampang kaso sa pagpatay sa biktima.