Abante Tonite Interactive

Babaeng ginahasa umano ni Neymar ilalabas ang video

483

Nagbanta ang babaeng nag-akusa kay Brazilian football star Neymar ng rape, na ilalabas ang isang video nang di umanong pag-atake sa kanya para ipakita sa media na tuluyang wawasak sa Paris Saint-Germain striker.

Ang nasabing pagbabanta ay lumabas kasabay ng pagbitaw ng law firm sa kanyang kaso dahil sa magkaibang bersiyon niya sa mga salaysay.

Sinabi ng babae sa law firm na may ‘consensual sex’ siya kay Neymar sa Paris nitong Mayo nang maging bayolente ito at sinaktan siya. Pero sa official complaint niya sa Brazilian police noong Mayo 31, sinabi niya na ginahasa siya ng soccer star.

Dagdag pa ng law firm, kinumpirma aniya ng babae na ang sexual relationship kay Neymar ay consensual, o pareho nilang gusto sa unang pahayag.

May lumabas rin na examination, isang linggo tapos ang pananakit, kung saan may mga pasa at kalmot sa pwetan ang babae at balisang dumating sa ospital pero tinanggi ni Neymar ito. (FEJJ)