Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babaeng kawalwal, tinikman

0 1,015

Tinikman ng kanyang nakainuman ang isang 22 anyos na babae matapos itong pagsamantalahan sa fire exit ng isang condominium unit kamakalawa ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Arestado naman ang suspek na si Francis Martin, 34, maintenance service sa Imperial Tower Condominuim sa A. Mabini St., Malate at taga-Brgy. Dila, Sta. Rosa Laguna.

Sa reklamo ng biktimang si Evelyn, di tunay na pangalan, sa Manila Police District-Police Station 5, naganap umano ang insidente alas-3:00 ng madaling araw sa fire exit ng condominum.

Nalaman na nakipag-inuman umano ang biktima sa suspek at ilan pa nitong kabarkada at nagkayayaan nang magpahinga.

Aalis na sana ang biktima nang hatakin ng suspek at sapilitang inalis ang kanyang short. Hindi na umano nakapanlaban ang biktima dahil nanaig ang lakas ng suspek. Hanggang sa maipasok nito ang kanyang ari sa biktima at nakapagparaos.

Nagsumbong umano ang biktima sa kinakasama at saka nagtungo sa Remedios Police Community Precinct at nagreklamo, na ikinaaresto ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.