Abante Tonite Interactive

Babaeng lamok lang ang kumakagat sa tao

262

Alam n’yo ba na ang babaeng lamok lang ang nangangagat sa tao dahil kailangan nila ang human blood para ma-ferti­lize ang kanilang itlog.

Kung minsan ay nagrereklamo ka kung bakit ikaw lang ang dina­dapuan at kinakagat ng lamok pero ang mga kasama mo ay hindi ­naman ­inaabala gayong nasa iisa lang kayong kuwarto.

Narito ang mga dahilan:

Isa sa paboritong kagatin ng mga lamok ay mga taong mataas ang concentration ng steroid sa katawan. Ito ay sumi­singaw sa balat at malakas makaakit sa mga lamok.

Mga taong mataas ang cholesterol. Sumisi­ngaw ang amoy nito sa balat lalo na kung pawisin kaya’t mabilis na naaa­moy ito ng mga lamok.

Related Posts

Mga taong sobrang mag-produce ng uric ­acid. Mabilis ding naaamoy ng lamok ang uric acid na sumisingaw sa katawan. Mga 50 meters ang naaabot ng pang-amoy ng lamok.

Ang amoy ng carbon dioxide na inilalabas ng ating baga ay type na type din ng mga lamok. Mas malaking tao, mas marami ang naibubugang carbon dioxide kaya mala­laking tao ang kinakagat at hindi mga beybi.

Ang mga buntis ay nagbubuga ng mas maraming carbon dio­xide kaya sila ay nagiging target din ng lamok.

***

Tulad ng tao, kaila­ngan ng isda ang oxygen ngunit imbis na baga, sila ay mayroong hasang na ang pangunahing trabaho ay kumuha ng oxygen mula sa tubig. Ito ang dahilan kaya namamatay ang isda kapag inalis sa tubig.