Abante Tonite Interactive

Babaeng nag-motor dedbol

176

Isang babaeng rider ang nasawi matapos sumalpok sa poste ang minamaneho nitong motorsiklo Lunes nang gabi sa Kidapawan City, North Cotabato.

Dead on arrival sa pinagsugurang pagamutan matapos magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Ruth Majesca Delector Tulang, 30-anyos, private employee, at taga-Mariano Cuenco St. ng nabatid na lungsod.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente alas-10:15 nang gabi habang minamaneho ng biktima lulan ng kanyang itim na Yamaha Mio sa Quezon Blvd. ng nabatid na lungsod nang bigla itong sumalpok sa poste ng Cotabato Electric Cooperative na bahagyang nasa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng pagsalpok, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. (Edwin Balasa)