Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babaeng PDEA tipster tinarget: ‘TOKHANG’ sa Mcdo shootout

0 128

Ni Nancy Carvajal

Masusi ngayong sinisilip ng mga awtoridad kung ang sinasabing shootout sa pagitan ng Philippine Drug and Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa isang sangay ng McDo noong Miyerkules sa Commonwealth Avenue, Quezon City ay isang `Tokhang.’

Base sa nakalap na video na sinuri ng mga imbestigador, namataang bitbit ng isang babae na sinasabing impormante ng PDEA ang bag habang tumatakbo patungo sa isang nakaparadang kotse na nakabukas ang hood. Ayon sa source ay malapitang binaril ang nasabing tipster.

“She was shot at closed ranged, however another informant survived the incident and is now in the custody of the police,” sambit pa ng source.

Sinabi pa nito na isang technical surveilance gadget ang ginamit upang masundan ang lokasyon ng impormante hanggang sa parking lot ng nabanggit na fastfood chain.

“The PDEA had to stop there because their car overheated,” sambit pa ng source.

Kinumpirma naman ni PDEA spokesperson Derrick Carreon sa phone interview ang pagkamatay ng informant, na kasama nito ang ilang ahente ng PDEA nang maganap ang shootout. Gayunman ay wala na itong binanggit pa hinggil sa presensya ng sinasabing isa pang tipster.

Kasabay nito ay tiniyak ng opisyal na tutugunan nila ang anumang kuwestyon o hirit ng NBI para sa karagdagan pang impormasyon hinggil sa nangyaring barilan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.