Abante Tonite Interactive

Babaeng rider todas sa kotse, tractor head

304

Patay ang isang babaeng rider nang mabangga ang minamanehong motorsiklo sa dalawang sasakyan sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Sanhi ng matin­ding tinamong pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ay agad na nasawi si Kristal Shane Paola Gardon y Biasong, nasa hustong gulang, taga-Parañaque City. Nasa kustodiya naman ng Parañaque City Traffic Bureau at iniimbestigahan ang mga driver ng dalawang sasakyan na umano’y sangkot sa aksidente na sina Ariel Lelis y Hilapo at Jordan Jade Pe Arellano y Ylanan, kapwa nasa hustong gulang at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with da­mage to property.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, alas-9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa West Service Road malapit sa Acsie Compound, Barangay Marcelo Green, Parañaque.

Minamaneho ni Gardon ang Honda motorcycle na “For Registration” pa nang bigla umanong mabangga ng isang Toyota Vios Sedan (PN NAR 6272) na minamaneho ni Lelis.

Nasagasaan din umano ang biktima ng kasunod ng kotse na isang Isuzu Giga Tractor Head/Trailer (PN ACO-5814) na minamaneho naman ni Arellano na agad nitong ikinasawi.

Sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ang dalawang driver hinggil sa insidente.