Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babaeng sales agent 55 beses tiningga

0 349

Patay ang isang babae na sales agent nang tadtarin ng bala ng riding- in-tandem habang may kausap sa telepono sa terrace ng kanyang bahay sa Orion, Bataan.

Sa imbestigasyon, sinasabing nakaupo lang ang biktima na si Ruth Rafa nang may biglang tumigil na riding-in-tandem sa tapat ng kanyang bahay saka siya biglang pinagbabaril.

Tila intensyon talaga na hindi buhayin ang biktima dahil umabot sa 52 tama ng bala sa katawan ang inabot nito.

Wala namang nakakilala sa mga suspek dahil nakasuot ito ng mga helmet. Wala ring plaka ang motorsiklo.

Ayon naman sa kanyang mga kaanak, wala silang alam na naging kaaway ng biktima. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.