Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babaeng swindler umiskor sa Camp Karingal

0 101

Isang babaeng ‘swinder’ na nagpapakilalang anak umano ng pulis ang nakikipag-transaksiyon sa kanyang mga binibiktima sa loob mismo ng Camp Karingal Sikatuna Village sa Quezon City.

Ito ay makaraang isa na naman ang tinangayan ng Samsung S21 Ultra 5G sa halagang P40K sa loob ng kampo.

Ang biktima ay si Raysaldo Cooper Opaño, 34, may asawa, ng Upper Bicutan, Taguig City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:00 ng gabi (July 23), nang maganap ang insidente sa harap ng Criminal Investigation and Detection Group.

Ang suspek ay nagpakilalang Li Shih Yu, nasa edad 25-30, 5”2 ang taas, long hair, naka-leather jacket at short pants.
Sa imbestigasyon ni Pat Nestor Ariz Jr. ng CIDU-QCPD, ipinost sa FB market place ni Opaño ang Samsung S21 Ultra 5G nito.

Tumugon sa messenger si Li Shih Yu na bibilhin ito, at nagpakilalang anak ng isang colonel sa Camp Karingal kung saan sila nagkasundong magkita.

Nagkita ang dalawa sa harap ng Camp Karingal at pagkabigay ng Samsung ay sinabi ni Li na ipapakita muna ito sa tatay na colonel ngunit bigla nang naglaho. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.