Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babaeng terorista tumba; dokumento buking

0 246

PATAY ang isang babaeng terorista sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis laban sa CPP-NPA sa Bgy. Gapasan, Magsaysay, Occidental Mindoro.

Kasabay nito ay nakakalap umano ang militar ng mga ebidensya laban sa Makabayan bloc at ang kanilang koneksyon sa mga teroristang grupo.

Ito’y nang marekober ng mga sundalo mula sa 4th Infantry Brigade ang isang baril, tatlong IED, isang rifle grenade at mga dokumento na nag-uugnay sa kanila sa Bayan Muna, Anakpawis, Bayan, at Anakbayan.

Ayon sa military, mga pamphlets ng nasabing grupo ang hawak ng NPA.

Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Alexander Arbolado, Commanding Officer ng 4IB na ang narekober na `war materials’ ay nagpapakita ng “support (to) the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC na ang Makabayan ay may koneksyon sa teroristang mga grupo.”

Kinondena naman ni Major General Greg Almerol, Commander ng Philippine Army 2nd Infantry Division, ang alyansa umano ng Makabayan Bloc sa NPA.

“We do not rejoice in killing our fellow Filipinos, however, we have a solemn duty to protect the greater number of peace-loving citizens of our country.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.