Abante Tonite Interactive

Babaeng tulak ng shabu dinakma

By
3,161

Huli ang isang babae matapos makuhanan ng limang sachet ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Pineda, Pasig City kamakalawa ng hapon.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang madakma ang suspek na si Joy Baderes, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing barangay matapos makipagtransaksyon sa isang pulis na nagkunwa­ring bibili sa kanya ng shabu na nagkakahalaga ng P200.

Nakakulong na ngayon si Baderes sa detention cell ng Pasig Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)