Abante Tonite Interactive

Babaeng walang binti, hindi pinapasok sa BIR dahil naka-shorts

0 247

Sa Facebook inilahad ng 27-anyos na si Nancy Torrelino Boroc, na isinilang na walang binti at paa, ang naramdamanan nito nang harangin siya ng guwardiya ng pinuntahang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Calbayog City dahil sa hindi umano nito pagsunod sa tamang dress code.

“Hay nako, alam na walang paa at shorts lang ang puwede sa akin dahil nga.

Paano kaya ako makapag-long pants?” himutok bni Boroc sa kanyang post.

Bago ang kanyang FB post, ikinuwento ni Boroc na nagpunta siya kasama ang kanyang nobyo sa opisina ng BIR para umano asikasuhin ang papel ng kapatid, gayunman hinarang ito ng guwardiya at sinita.

Aniya hindi umano nito maipaliwanag ang naramdaman nang harangin siya kaya umuwi na lamang ito at naglagay ng medyas upang kahit paano ay magmukhang pormal.

Noong unang pumunta sa tanggapan ay hindi naman umano nagkaroon ng problema si Boroc kaya inakala nito na pwede ang kanyang kasuotan.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang sinapit ni Boroc.