Abante Tonite Interactive

Babaero at oral sex (2)

980

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes: (shortened Aug 17 letter)
i know sex is impt din sa relationship.. and basically men want felatio.. and they do cunnilingus too.. pero normal ba sa babaero na ayaw ng cunnilingus? esp when he is 44 na ang marami na naging gf aside frm the ex wife.. is the act a sign of love? Pag ayaw gawin hindi ka mahal? or if di sya ma effort na u reach orgasm too? Kasi mabilis sya… sobrang “L”? i hope may time po kayo to answer.. thank u po.. God bless..
Rowena

Dear Rowena:
Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin ng buo kahapon, Sabado, Agosto 17. Doon, pinag-usapan natin ang kahulugan ng pagiging mabilis labasan. Ngayon naman, pag-uusapan natin ang dalawa mong tanong.
1. May mga babaero na gusto ng cunnilingus, at may babaero na ayaw. Walang kinalaman ito sa gaano karaming girlfriend mayroon siya.
2. Kapag nag-cunnilingus ang isang lalake sa isang babae, hindi kaaagad ibig sabihin na mahal niya ang babae. Mayroong mga lalake (pero hindi naman ang majority) na mahilig lang sa cunnilingus. O alam nila siguro na kapag ginawa nila ito sa babae, papayag na ang babae sa lahat. Pero, ano kaya kung ganito ang sitwasyon: May lalake na ayaw mag-cunnilingus. Kunwari, nagawa na aniya ito isang beses, hindi niya nagustuhan at pangako niya sa sarili niya na hindi na niya ito uulitin muli. At ‘yun nga ang nangyari, kahit na marami siyang babae. Pero isang araw, mayroon siyang nakilala, at dahil in love na in love siya sa babaeng ito, ginawa niya ang pinangako niyang hindi na niya gagawin kahit kailangan —cunnilingus. Sa ganitong sitwasyon, maaari nating sabihin ang cunnilingus ay sign of love. Inaasahan ko na natulungan kita sapag sagot ng mga tanong mo, Rowena. Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulasaAbantetuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.