Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babaero, palamura, umbagero mister sinunog ni misis

0 507

Patay ang isang mister nang sunugin ito ng buhay ng kanyang misis matapos mapuno sa ginagawa umanong pisikal at mental na pananakit ng lalaki sa kanya, Linggo ng hapon sa Sta. Rita, Pampanga.

Nakuha pang isugod sa Jose B. Lingad hospital ang biktimang si Vidal, 25, subalit idineklara na rin itong dead on arrival ng sumuring doktor dahil sa mga lapnos sa buong katawan.

Nadakip naman sa isinagawang follow up operation ng Sta. Rita police ang suspek na si Gisel, 24, negosyante, asawa ng biktima, kapwa taga-Sta. Rita, na sinampahan na ng kasong Parricide.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon nitong Linggo sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nabatid na umuwing nakainom ng alak ang biktima at nagtalo ang mag-asawa na nauwi sa pananakit ng mister sa kanyang misis.

Nang kumalma ay hinintay ni misis na makatulog ang asawa bago kumuha ng gasolina at isinaboy sa biktima, sabay sindi ng lighter at saka tumakas.

Samantala narespondehan pa ng kanyang kuya si Vidal ang nasusunog na biktima at agad isinugod sa nasabing pagamutan subalit idineklara na rin itong dead on arrival.

Lumabas naman sa mga ulat na unang binuhusan ang ari ng mister ng nanggalaiting ginang.

Inamin ng ginang na napuno na ito sa asawa dahil bukod sa palaging sinasaktan ay nambababae pa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.