Abante Tonite Interactive

Babaha ng kickback! Mga Cong may P3B flood control project

310

Babaha ng pera sa mga congressional district sa buong bansa dahil sa P3 bilyong flood control project ng mga kongresista.

Isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson na 117 flood control project na nagkakahalaga ng P3.179 bilyon ang isiningit sa 2020 budget.

Walo sa 117 flood control project ay may magkakaparehong halaga na P60 milyon.

Bahagi umano ito ng P83 bilyong pork barrel fund na isingit bago ratipikahan ng Senado at Kamara ang report ng Bicameral conference committee sa P4.1 tril­yong budget para sa 2020.

Ang pork barrel fund ang pangkaraniwang pinagkukunan ng komisyon o kickback ng mga mambabatas. Umaasa naman si Lacson na ive-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga isiningit na pork barrel fund, tulad ng ginawa nito sa 2019 national budget kung saan tinapyas ang P95 bilyong pork barrel fund.

“It is revolting to note that legislators keep on dipping their dirty fingers on our national budget in spite of pending cases involving the same issue,” ani ni Lacson. (JC Cahinhinan)