Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babala ng ET para Iwas-Aksidente

0 132

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-#Misteryo narito lang talaga sa paligid natin ang mga EkstraTerestriyal o ET kaya’t may ilan sa atin ang nakakausap nila sa panaginip man, astral o kaya sa mismong dimensyon na ginagalawan natin…Hindi lang talaga natin sila pisikal na nakikita.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sa karanasan ni Temio ng Malabon, inamin niyang nakausap ang nagpakilalang ET mula sa Jupiter pero dito na umano namamalagi sa ating planeta.

Misteryo: “Paano mo nakausap ang ET na ito na nagsabing galing daw siya ng Jupiter? Tama ba galing siya sa Jupiter?”

Temio: “Tama yun ang sabi niya sa akin. Galing daw siya ng Jupiter pero matagal na siyang narito sa planeta natin. Hindi lang daw sila napapansin kasi nagbabago sila ng hitsura kapag gusto makisalamuha ang tao.”

Misteryo: “Paano siya nagpakita at nagpakilala sayo? Sa panaginip ba? Sa Astral? O sa mismong gising ka at nakipag-usap sayo?”

Temio: “Akala ko nga panaginip lang kasi yun ang ipinakita muna sa akin. Nakikipaghabulan daw ako sakay ng bisikleta sa isang kalye kasi nagba-bike to work na ako mula noong pandemya.”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Misteryo: “Ah I see dream like ang setting then ano sumunod na nangyari? Bigla bang sulpot ang ET sa harap mo?”

Temio: “Hindi naman ganun. Hindi yung biglang sulpot o kaya sakay ng UFO na nagpakita sa akin para lang siya normal na tao na nakasalubong ko habang nagba-bike ako tinigilan ko siya kasi bigla ko siya napansin sa isang tabi.”

Misteryo: “Umasta ba siyang pulubi na namamalimos? O tambay lang na humarang sayo?”

Temio: “Actually nasa isang tindahan siya para bang bigla ako nauhaw at kailangan ko tumigil sa tindahan niya. Parang panaginip ito ha. Baka kasi mind conditioning lang sa akin yung scenario para hindi ako matakot.”

Misteryo: “Ok so tindahan yun siya pala naroon. Ano sabi sayo?”

Temio: “Heto sabi niya sa akin: Ingat ka brod kasi nung nakita kita marumi damit mo at parang may sugat ka. Mag-ingat ka lang palagi. Sabay sabi na taga-ibang planeta siya at matagal nang nasa lupa nabubuhay bilang tao.”

Paniwalaan man natin sa hindi narito lang sa paligid natin ang mga ET o kilala sa tawag na alien. Maaaring yung ginawa kay Temio ay isang paraan para maniwala siya at mag-Ingat sa kanyang sarili. At naganap ang paguusap sa kunwaring panaginip na yun pala ay sa astral plane.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng Misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.