Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babala ng gabay sinaway, nadisgrasya

0 131

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo may mga gabay tayo o spirit guide na sadyang nagbibigay ng babala sa atin para maligtas tayo sa kapahamakan. Pero karaniwan ay ating sinasaway o hindi pinapakinggan ang ganitong babala kaya may pagkakataon tayo ay nalalagay sa problema tulad ng disgrasya.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi lang mga psychic ang kailangang makinig sa babala ng ating mga spirit guide o gabay kundi tayong lahat. Sa totoo lang, ilang beses na rin akong naligtas sa kapahamakan pero may pagkakataon din na ayaw ko makinig kaya nakalagay ako sa matinding problema.

Tulad na lamang ng karanasan ni Lorna ng Makati na naaksidente dahil hindi nakinig sa kanyang gabay.

Mula nang magka-pandemya ay nag-bike to work si Lorna dahil mula pa ay wala siyang masakyan papasok sa trabaho at kahit ngayon ay nagba-bike to work siya sa takot na mahawa ng Covid-19 kung sasakay siya sa jeepney.

Misteryo: “Paano nangyari yung hindi ka nakinig sa gabay mo at naaksidente ka?”

Lorna: “Inaamin ko naririnig ko guides ko mostly ay dinig ko voices nila at minsan nakikita ko sila sa isip. Inaamin ko din narinig ko ang warning nila pero hindi ako nakinig kasi wala akong choice kailangan ko mag-bike.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Ano ba nangyari sayo? Ano ang warning ng gabay mo?”

Lorna: “Warning nila ma-a-aksidente ako ng araw na yun at sakto sa babala nila naaksidente nga ako.”

Misteryo: “Paano nangyari ang aksidente? Na-Ospital ka ba?”

Lorna: “Oo pero minor injury lang ang tumama sa akin kasi gawa ng kaskaserong rider, yung naka-motor. Akala ko nga bali na ang kaliwang braso ko at fractured ang left shoulder ko. Buti na lang hindi.”

Misteryo: “Paano mo narinig ang warning sayo? Detalyado ba pagkakasabi

sayo?”

Lorna: “Paalis na ako ng condo papasok sa work nang mapatigil ako paglabas ng unit ko. May narinig ako, wag tumuloy delikado. Paano naman hindi ako tutuloy may work ako. Kaya ayun sa isang tulay sa Maynila, nagitgit ng rider, nawalan ako ng kontrol, natumba ako, bagsak sa kalsada, buti naka-helmet ako. Na-ospital ako.”

Lesson learned ang nangyari kay Lorna kaya I would advise makinig tayo sa ating spirit guides kahit Hindi na psychic, maririnig mo sila. Mostly ay parang sumagi sa isip mo na may masamang mangyayari sayo.

Para sa inyong kuwentong karanasan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.