Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babala ng mga private hospital: Aapaw na kami!

0 215

May posibilidad na mapuno ang kapasidad ng mga pribadong pagamutan para sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa sa loob ng tatlong Linggo.

Ito ang ibinabala ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) president Dr. Jose Rene De Grano dahil sa patuloy na pagtatala ng higit sa 3,000 bagong kaso ng nahawa ng virus kada araw.

“If we don’t do anything about it, most probably it will follow the trend, maybe in the next 3-4 weeks, if this is not abated, then we will be reaching the full capacity in the next 4 weeks,” ani De Grano.

SM food to go Banner Ad

Kahapon naitala ang 4,578 bagong COVID-19 case sa bansa na pinakamataas mula noong Setyembre 2020.

Gayunman hindi umano nakikita ni De Grano na kailangang magkaroon muli ng ‘healthcare worker timeout’. Dapat lamang na sundin ng publiko ang mga protocol ng gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.