Abante Tonite Interactive

Babaligtad sa quo warranto at papabor kay Sereno manganganib

By
1,141

Naniniwala si Senador Kiko Pangilinan na malalagay sa alanganin ang mahistrado na babaligtad at papabor sa pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ipinaliwanag ni Pa­ngilinan na kung isa sa mga bumoto pabor sa quo warranto petition laban kay Sereno ay magbago ng isip sa Motion for Reconsideration at bumoto kasama ang 6 na kumontra ay magi­ging 7-7 ang boto.

“Kapag tied ang resulta sa MR, dismiss ang nasabing petisyon laban kay Sereno,” saad ni Pangilinan.

Abante Hiring – IT dep

Gayunman, may posibilidad aniya na ang magbabago ng isip na mahistrado ay posible namang maharap din sa quo warranto petition.

Kung hindi man ­aniya ay hahanapan ng anumang paratang kahit gawa-gawa pa at tatanggalin sa Korte ­Suprema.

Binanatan din ni Pangilinan ang Korte Suprema na wala na aniyang independence.

“Wala nang ‘independence’ ang Korte Suprema. Kapag may bumoto sa anumang petition na kontra sa Exe­cutive department, maa­aring ihabla at patalsikin ito sa pamamagitan ng quo warranto petition. Isang sunud-sunuran na korte na lamang ang SC. Huwad na Kataas-taasang Hukuman,” giit ni Pa­ngilinan. (Dang ­Samson-Garcia)