Abante Tonite Interactive

Babalik kaming mas matibay! – Perasol

TAAS-NOO!

By
0 407

Yumuko at malungkot ang mga bataan ni University of the Philippines head coach Bo Perasol pagtunog ng final buzer sa Game 2 finals ng 81st UAAP basketball tournament kagabi.

Nabigo ang Fighting Maroons sa kanilang misyon na makuha ang titulo matapos ang 81-99 pagkatalo kontra Ateneo sa Araneta Coliseum.

Tinawag ni Perasol ang kanyang mga player sa gilid ng basketball court, pasigaw na kinausap upang marinig dahil nagsasaya ang Blue Eagles.

“There is no reason for you to bow, we lost to a better team, we will be better next season,” saad ni Perasol.

Habang nagsasalita si Perasol ay naluluha at patuloy na nakayuko ang kanyang mga alaga kaya muling ipinarinig nito na dapat ay ipagmalaki nila ang kanilang sarili.

“I want you to be proud, because I want you to be proud for them for what you did, they are proud of you,” hayag ni Perasol.
Para kay Perasol ay para na rin silang nagtagumpay dahil sa kanilang narating ngayong season.

“The game is done, the finals is done, we played in the finals and nobody expected us to be here,” pagtatapos ni Perasol.

Si Juan De Liaño Gomez ang namuno sa opensa para sa Fighting Maroons matapos ilista ang 24 points.