Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babangon tayo, mga trabaho babalik – Malacañang

0 76

Hindi na ikinagulat ng Malacañang ang resulta ng mga survey na nagsasabing 62% ng mga Pilipino ang naniniwalang mas lumala ang lagay ng kanilang pamumuhay ngayong taon.

Aminado si Presidential Spokesperson Harry Roque na napakalaking hamon sa bansa ngayong 2020 dahil sa naging epekto ng lockdown kontra COVID-19 sa buhay ng mga Pinoy.

“It is therefore not surprising that the Fourth Quarter Survey of the Social Weather stations (SWS), conducted last November 21 to 25, 2020, showed 62 percent of Filipinos believe that their quality of life got worse in the last 12 months,” sabi ni Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit nagpahayag ito ng kumpiyansa na makababangon ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagbubukas ng mga negosyo matapos ang ilang buwan na natigil ang operasyon ng mga ito.

Dahil aniya rito, marami ring hanapbuhay ang mabubuksan para sa mga Pinoy.

“Things are looking up. The economy has reopened which means more livelihood opportunities have become available,” ani Roque.

Siniguro ni Roque na magpapatuloy sa direksyon ng “ingat buhay para sa hanapbuhay” ang bansa pagpasok ng bagong taon kasabay ng pagbubukas pa ng maraming negosyo na muling magpapasigla sa buhay ng mamamayang Pilipino. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.