Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babayaran mga volunteer sa solidarity trial

0 108

Inihayag ng isang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) na babayaran ang mga volunteer sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa bakuna laban sa COVID-19 sakaling may mangyari sa kanila.

Ayon kay DOST Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoyo, gagamitin sa solidarity trial ang mga bakuna na sumailalim na sa phase 1 at 2 ng clinical trial sa ibang bansa at kapag may nangyari sa volunteer ay tutulungan sila ng WHO.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Merong inilaang pondo para magamit sa mga volunteer,” sabi ni Montoya sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Gayunman, ipapaliwanag din aniya sa mga volunteer ang mga detalye sa bakuna na ituturok sa kanila.

Nabatid na kailangan 18 hanggang 59-anyos ang volunteer sa solidarity trial na katulad sa edad ng mga isasailalim sa malawakang pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.