Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baboy-ramo naglamyerda sa highway

0 496

TILA nauuso ang paglalakwatsa ng mga hayop sa kalsada dahil matapos ang ostrich sa Quezon City, ang baboy sa Cebu City at baka sa Iloilo City, isang baboy-ramo naman ang nakuhanan na patawid-tawid sa mga kalsada sa Nueva Ecija.

Sa kuha ni Al Lopez na ipinalabas sa ABS-CBN online, makikita ang baboy sa Maharlika Highway sa Cabanatuan na parang ordinaryong tao na naglalakad lang sa kalsada na may pupuntahan.

Kalmado lang ang hayop na tumatawid at hindi nagmamadali kahit may mga nakakakita sa kanyang tao.

Umani ito ng samut-saring reaksyon, like at shares ang paglalamyerda ng nasabing hayop. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.