Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baboy shortage hindi totoo – Ping

0 438

Pinabulaanan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na kapos ang suplay ng baboy sa bansa.

Sinabi ito ng senador sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong Lunes, hinggil sa food security crisis na dulot ng African Swine Fever (ASF).

Binanggit pa ni Lacson ang datos ng gobyerno sa nakalipas na taon.

Sabi ni Lacson, ang taunang average ng nakokonsumong baboy mula 2018 hanggang 2020 ay 1.85 metric tons habang ang annual average local production naman ay 2.25 million MT.

“Where’s the shortage? `Di ba malinaw na higit pa sa sapat ang supply,” tanong ni Lacson.

Samantala, inihayag naman ni Department of Agriculture (DA) Secretary

William Dar na magsisimulang bumaba ang presyo ng baboy sa pamilihan sa oras na dumating na ang pinababang tariff rate ng imported na baboy sa Hunyo.

“I understand, ang pagpasok po ng imported ay nasa 40 to 60 days. Siguro ano pa, by June,” pahayag ni Dar matapos tanungin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa naturang pagdinig. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.