Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babu Ermitanyo: John Lloyd mukhang bagets

0 160

Inulan ng papuri ang Facebook post ni John Lloyd Cruz last Friday na mga larawan niya sporting a new look.

Walang caption ang aktor sa mga larawan pero tila nasa isang location siya while the photos were taken. May nagkomento na shooting daw ito ng Servando Magdamag na ginagawang movie ngayon ni Lloydie.

Sa mga larawan ay makikitang wala na siyang bigote at balbas, malayo sa ‘ermitanyo’ look niya some months ago. Maigsi na rin ang buhok niya at pumayat na rin siya.

Umani ng positive comments mula sa netizens ang new look ni Lloydie at komento ng marami, bumata siya at nagmukha nang teenager ngayon.

“Without enhancements, this actor still looks good. He remains enigmatic,” komento ng isang FB user.

“Hi idol john Lloyd you look like a teenager…i missed your movies with sarah geronimo. when is that?” komento naman ng isang fan.

“Looking even better and younger! Welcome back jlc

You really look good JL!” comment ng isa pa.

“Wow prang bagets jan c loidi,” reaksyon ng isa pang follower.

Anyway, mukhang tuloy-tuloy na nga ang pagbabalik ni JLC sa showbiz at maging sa social media ay napaka-active niya. Napakaganda rin ng feedback sa kanyang pagbabalik at mukhang na-miss siya talaga ng mga fan.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang mga next project niya. Pinakamaraming request ay reunion movie with Sarah Geronimo or Bea Alonzo.

@@@

Ice napanaginipan ang erpat

Tila nagparamdam kay Aiza “Ice” Seguerra ang yumaong amang si Decoroso “Dick” Seguerra sa kanyang panaginip. Sa kanyang IG post, ikinuwento ng singer ang kanyang napanaginipan.

“I finally dreamt of my dad. Nasa isang town kami, buong pamilya kasama ang mga kamag-anak (pati pets). Sobrang traffic so kailangan ko mag detour sa loob ng simbahan. Nagulat pa ako, meron silang malaking lion sa loob ng rectory. Mabait naman yung lion so nakalabas kami nang buhay. Tapos, papunta kami sa isang outdoor restaurant, nandun mga pamilya, naghihintay.

“Tapos nakita ko si Pogi.

Malusog na siya ulit. Kasama niya ibang mga kapatid niya, tapos kumakanta at nagkukwentuhan. Namumulutan pa nung isdang niluto ni mama ko. May toyo’t kalamansi pa akong nakita. Siyempre nakikain na rin ako.

“Tinignan ko ulit si erpat, he looked so comfortable and happy. Kumandong pa ako. Ang saya nang kuwentuhan, lahat nagtatawanan. Pansin ko lang, ang daming dogs. Kaya ang saya lalo. But at the center of it all, si Pogi. I can never forget his smile, simple pero iba. He looked very happy,” ang kwento ni Ice.

Gumising daw siya na nakangiti coz alam niyang nasa heaven ang kanyang ama.

“Then, I woke up…smiling. I don’t know what heaven looks like. But maybe heaven isn’t about clouds and angels. It’s about being with people we love, eating our favorite food, doing our favorite thing with our favorite people, surrounded by our pets, and finally being at peace. That’s my kind of heaven and I know my dad is there,” pagtatapos ng post ni Ice.

Matatandaang yumao si Daddy Dick noong Nov. 15 matapos ang pakikipaglaban sa prostate cancer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.