Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babu Music Box: Tax sagabal sa comedy bar

0 698

Narito ang part 3 sa pagtalakay natin sa pagsasara ng mga comedy bar sa Quezon City.

Kahit ang Music Box sa Timog ay wala na ring balak magbukas.

Sey ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime,’ natutuwa siya na bukas pa ang Music Box na aniya ay pioneer ng mga comedy bar.

Ayon kasi sa contestant na taga-MB , sa tingin daw niya ay hindi ito magsasara dahil hindi nagrerenta at pagmamay-ari ng owner ang establishment. Pero right now ay sarado dahil nga sa quarantine.

“That’s the only option Roldan! Ayoko naman i-risk ang staff and customers na maexpose sa virus including myself,” text-tsika ni Sir Wowie de Dios, owner ng Music Box.

“Better to rent out the place na lang. Pahinga na muna ang mga bar,” dagdag pa niya.

Pero pagbalik sa normal po magbubukas pa ba ang MB ?

“Probably not. Will start to clean up the place and dispose of the equipments,” pakli niya.

“And the 30% capacity limit, parang unfair kasi the government charges full taxes. Dapat may corresponding discount din sa taxes and licenses di ba?,” paliwanag pa niya.

Mukhang sagabal umano ang buong tax na babayaran ng mga comedy bar para magbukas ulit dahil mahihirapan nilang mabawi ang gastos.Bawas din kasi ang mga costumer dahil sa social distancing.
Dapat siguro ay mabigyan din ito ng consideration ng gobyerno.
Pak!

Nganga sa Pinas: Mojack balik-US

Isa si Mojack sa nalungkot sa dagok na nangyari sa mga comedy bar. Siya produkto rin siya ng Music Box, Klownz at Zirkoh. Bawal pa rin ang live show para makaraket dahil sa COVID-19 crisis.

Post niya sa kanyang Facebook account, “Klowns and Zirkoh ay naging part nang aking journey in showbiz…. mamimiss ko sila”

Dugtong pa niya,”Salamat sa masasarap na alaala Klownz & Zirkoh…. San man ako pumunta ay nasa puso na kita.”

Sa chat tsika namin: “Nakakalungkot talaga ng sobra. ‘Yun lang ang alam na trabaho ng karamihan nating mga kapatid na comedians.Pero dapat may iba rin silang alam na pagkukuhanan o pagkakakitaan para maka-survive sila.

“Kaya ako nu’ng nagsara ang Zirkoh at Klownz na malapit sa puso ko at naghubog sa akin nalungkot po ako ng sobra. Pero kailangan din natin intindihin ang namuhunan at boss naming na si Boss AK (Allan K) Kasi kung tutuusin marami na siyang natulungan at isa na po ako run.

“Ang lesson po dito sa mga kapatid natin sa trabaho, kapag nasa kasagsagan ka ng kasikatan o trabaho mo i-secure mo na agad self mo. Gaya ko nakabili ako ng bahay para walang maniningil buwan buwan kasi naranasan ko ang sigawan at murahin ng may ari ng bahay. ‘Yun ang nagpa-isip sa akin.dumiskarte paanong magkaroon ng sarili at ‘di na nangungupahan.

“Balik US po ako para magtrabaho as an ordinary people para mabuhay natin ang mga pamilya natin at may maipon tayo sa sarili natin .At para sa pagtanda natin may mahuhugot tayo.Alam naman po natin na karamihan sa katulad kong mga beki walang mga anak para may maasahan kundi sarili pa rin po natin.

“ Nangyayari po ang lahat ng ito upang ituro sa atin kung paano magtipid, magdamayan at tumulong sa kapwa kung sino ang meron,” deklara pa niya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.